Hindi Na Kailangan


Hindi ko na kailangan na sabihin pa sa iyo
Dahil sa aking nga kilos ipinadarama ko ito
Ngunit kung ito'y sa iyo, hindi pa sapat
Hayaan mong sabihin kong pag-ibig ko'y tapat

Hindi ko kailangan ang anumang karangyaan
Kailangan ko'y ang pag-ibig na walang hanggan
Hindi ko kailangan ang malinis o banal
Kailangan ko'y isang wagas na pagmamahal

Huwag kang mag-alinlangan sa pag-ibig kong ito
Pagkat patutunayan kong ito ay totoo
Minamahal kita maging sino ka man
At ano man ang mangyari hindi kita iiwan

O aking sinta tandaan mo sana ito
Hindi na kailangang mahalin mo rin ako
Sapat na sa aking ako'y nagmamahal sa iyo
Pagkat ligaya na sa akin ang mahalin ang tulad mo...

Home Table of Contents Previous Next
1