Ikaw Ang Pag-Ibig Ko |
Sana’y aking sasabihin ay iyong maunawaan Pagkat hindi ko na mapigil ang nararamdaman Makita ka lamang, o anong kaligayahan O di kaya’y makita lang ang nakangiti mong larawan Ang puso ko’y nabighani sa taglay mong kagandahan Ang isip ko’y binihag ng malawak mong kaalaman Kaya sana’y huwag mong alisin sa akin ang karapatan Na ika’y idolohin at patuloy kong hangaan Ako’y isa lamang estranghero, nalalaman ko ‘yon Na may ninanais at hinihiling sa iyo ngayon Karapatan ay ibigay sa akin na gawin kang inspirasyon At pakamamahalin ka sa lahat ng panahon Pagmamahal ko sa iyo ay walang kapantay Pagkat puso’y sa iyo lamang habang nabubuhay Pag-ibig kong ito’y walang ibang aangkin Pagkat tanging ikaw lamang ang aking mamahalin... |
Home | Table of Contents | Previous | Next |