Ulan


Sa pagtangis ng langit ako ang mga butil ng luha
Na tagapaghatid-saya sa mga nilalang na nasa lupa
Sa aking pagbaba mula sa tinitirhang langit
Nagdiriwang ang mga bulaklak nagagalak ang mga bukid

Buhay ko'y ang init na handog ni Haring Araw
Ngunit ako rin ang tanda ng kanyang pagpanaw
Pagkat misyon ko'y diligin ang mga nauuhaw
Bigyang awa ang bawat nilikha sa lupang ibabaw

Sa aking pagdating kulog at kidlat ang nagbibigay-daan
Bahaghari naman ang tanda ng aking paglisan
Sa aking pagsilip sa bawat mahagingang bintana
Maririnig ako ng lahat, ngunit ilan lang ang makauunawa

Ako'y munting butil lamang na galing sa mga ulap
Ngunit ang tubig kong hatid ang siyang buhay ng lahat
Munting butil lamang ako kung iyong titingnan
Ngunit ang ginagampanan kong misyon ay hindi kayang tumbasan...

Home Table of Contents Previous
1