Habang May Buhay, May Pag-Asa |
Buhay
sa mundo'y punung-puno ng mga hirap Kaya kinakailangan na tayo'y magpakatatag Sabi nga ng kasabihan, "sa likod ng mga ulap Nagtatago ang araw; naroon ang liwanag" Sumapit man ang gabi, laganap man ang kadiliman Sumigaw ka ma't di marinig, nakabibingi man ang katahimikan Huwag kang susuko't maghintay ng umaga Sa iyo'y may makikinig din, bukas ang pinto ng pag-asa Dumating man ang bagyo't malalakas na unos Sisikat din ang araw; kadiliman ay matatapos Kawalan ng pag-asa ay itakwil mo at itapon Ilang beses ka mang madapa, pilit kang bumangon Laging tandaan, "habang may buhay, may pag-asa" Basta matuto lang maghintay ng umaga Laging alalahanin, "kung may dilim, mayroong liwanag" "Pagsikat ng araw, biyaya ng Diyos ay laganap"... |
Home | Table of Contents | Previous | Next |