Nakalilitong Kapalaran


Kaysarap nga talagang mangarap
Kung ang mga ito ay sadyang matutupad
Ngunit kung minsan kapag ika'y nabigo
Tila kay hirap nang harapin ang buhay sa mundo

Nakalilito nga kung minsan ang ating kapalaran
Kung ano ang nais ang siyang di nakakamtan
Kung minsan kung ano ang di inaasahan
Ang siyang nagaganap at ating nararanasan

Kapalaran natin ay sadyang paiba-iba
Lalo na kapag ika'y nilalaro ng tadhana
Kaya kung minsa'y kailangang makipagsugal
Makipaglaro na rin upang ika'y makatagal...

Home Table of Contents Previous Next
1