Salamat Kaibigan |
Salamat
kaibigan sa iyong pakikiramay Sa mga oras na ako'y nalulumbay Salamat din sa mapagpalang kamay Na handang dumamay at sa aki'y umalalay Salamat kaibigan sa iyong pakikiisa Sa mga panahon na ako ay masaya At sa mga oras na nakakamit ang tagumpay Salamat sa pagbati at mga pagpupugay Kailanman kaibigan, hindi ka malilimutan Sa mga munting bagay at sa iyong kabutihan Saan man ako mapunta lagi ko itong tataglayin At sa puso't isipan lagi kong aalalahanin Salamat kaibigan ika'y naging lakas at tanggulan Salamat kaibigan ika'y naging sandalan Maging ito man sa iyo'y munting bagay na nagawa Sa akin nama'y ito'y sadyang napakahalaga Kaibigan ang mga ito'y tinatanaw kong utang na loob Sa aking alaala'y ito'y akin nang kinupkop Pakinggan sana ang laman ng puso't isipan At laging sasambitin, "Salamat kaibigan!"... |
Home | Table of Contents | Previous | Next |