Mahal Pa Rin Kita


Sabihin ko mang nalimutan na kita
Ito ay damdaming panlabas lamang sinta
Dahil sa aking puso at aking isipan
Ikaw ay hinding-hindi ko nalimutan

Ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya
Upang ikaw ay akin nang malimutan sinta
Ngunit sadyang nananaig ang damdamin
Kaya't patuloy na lang kitang mamahalin...

Home Table of Contents Previous Next
1