Ang Paghanga Ko't Pag-Ibig


Bakit kaya pag humanga ako ay labis?

Isasakripisyo lahat handa pang magtiis

Para lamang sa iyo na aking hinahangaa’t ginigiliw

Siguro nga sa puntong yan ako’y isang baliw

 

Katulad na lang sa nadarama kong ito

Hindi kumpleto ang araw pag di man lang Makita ang litrato

Ng aking iniidolo at pinakamamahal

Talagang matindi nga pag ako’y nagmahal

 

Nangyayari pa’y nadarama rin ang iyong pagdurusa

Sa tuwing dadaloy ang iyong mga luha

Daig ko pa tinatarakan ng punyal sa sakit

Bawat hagulgol mo sa akin ay hagupit

 

Sa tuwing nadaramang ika’y naghihirap

Nais ko sanang yakapin ka’t makausap

Ngunit lahat nangyayari lamang sa pangarap

At paggising ko’y nahahawi na rin sa mga ulap

 

Kung maipagtatanggol nga lamang sana kita

Gagawin ko yan buhay ko man ang mataya

Ganito kalaki ang pagmamahal ko sa iyo

At iya’y di maglalaho magunaw man ang mundo...


Home Table of Contents Previous Next
1